Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.
Sobrang dami ang benepisyo ng saging para sa katawan natin:
1. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.
2. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, mag-saging ka na.
3. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
4. Puwede Sa May Diabetes – Puwede naman ang saging sa may diabetes. Mga 1 or 2 saging lang bawat araw. Piliin lang ang ripe pero hindi ang mga over-ripe na saging dahil matamis ito. Ang pinag-iiwas lang talaga sa diabetes ay ang asukal, kaning puti at mga matatamis na pagkain.
Kaya kahit may nararamdaman ka, kumain ka na ng saging para maging healthy at malakas.
5. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, parang uminom ka na ng multivitamin. Tipid pa!
6. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-Gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.
7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan. Talagang ginawa ng Diyos para kainin.
8. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalu na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.
9. Baka makabawas ng Leukemia at Hika sa Bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.
Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka na ng saging para maging healthy at malakas.
Benepisyo ng saging - Saging: Panlaban Sa Maraming Sakit
Benepisyo ng saging ay hindi maikukumpara sa ibang mga prutas. Ang saging ay may dilaw na balat at matamis na lasa na gustung-gustong kainin ng karamihan ng tao dahil madali lang itong dalhin kahit saan ka man magpunta. Ang saging ay mas maraming bitamina at nutreints kumpara sa mansanas. Ito ay mas maraming carbohydrates, Bitamina A, potassium, iron, phosphorus at natural sugar. Ang saging ay mayaman sa bitamina at mineral na nakapagbibigay ng natural na enerhiya. Kapag ikaw ay kumain ng dalawang saging ay magkakaroon ng lakas ng isa o kalahating oras sa iyong ginagawa. Kapag ikaw ay pagod at nanghihina ang saging ay kayang makapag bigay ng lakas na kailangan ng iyong katawan. Ang enerhiya na nanggagaling sa saging ay higit na tumatagal kaysa sa galing sa caffeine. Ang saging ay mayaman din sa potassium na namamahagi ng oxygen sa ating katawan. Ito ay may positibong epekto sa ating circulatory system. Ang potassium ay nakapagpapabuti sa kakayahan ng ating utak. Ayon sa pag-aaral ang mga estudyante na kumakain ng saging ng tatlong beses sa isang araw ay higit na magaling sa klase kumpara sa mga estudyante na hindi regular na kumakain ng saging.
Ang saging ay mayroong fiber na kailangan upang maging maayos ang panunaw. Ito ay tumutulong para sa maayos na pagdumi. Ang saging mas mainam at masustansiya kesa sa laxative na nagdudulot ng diarrhea.
Ang saging ay may sangkap na tinatawag na tryptophan na mayroon din sa pabo. Ang sangkap na ito ay nakakatulong ma-relax ang isang tao. Ang mga taong nakararanas ng depresyon ay mainam na kumain ng saging. Itong pambihirang prutas na ito ay mahusay na pampabawas ng sakit o kirot na nararamdaman ng isang babaeng may buwanang dalaw. Ang saging ay mainam na pang-alis ng sakit ng ulo dulot ng sobrang pag-inom ng alak. Ilagay sa blender ang saging at maglagay ng konting honey, yogurt at paghaluin upang makatulong pakalmahin ang iyong sikmura. Ang isang babaing nagdadalang tao ay kailangang kumain ng saging upang mamentina ang normal na presyon ng dugo at temperatura ng katawan. Ang saging ay nakakatulong na mapababa ang abnormal na kondisyon ng acid sa iyong sikmura. Ito ay nakatutulong makaiwas sa ulcer, mabawasan ang irretasyon sa sikmura at mahinto ang heartburn. Ang saging ay mayaman sa iron at mabuti sa mga taong may mababang lebel ng iron sa dugo.
Source: Health and Wellness Acid Reflux and Heartburn Health and Wellness Nail and Toe Fungal Infection Health and Wellness Lose Weight Fast |