tonsil

Gamot Sa Masakit Na Lalamuman Mga sanhi ng sakit sa tonsil

Ang iyong tonsils ay pangunahing panangga ng iyon g katawan laban sa mga sakit. Ito ay gumagawa ng mga white blood cell o putting dugo para labanan ang mga impeksyon. Pinapatay ng tonsil ang mga bacteria o virus na gustong pumasok sa iyong katawan sa pamamagitan ng bibig. Subalit dapat tandaan, ang mga tonsil ay naiimpeksyon din.

Ang tonsillitis ay maaaring sanhi ng parehong virus na sanhi rin ng trangkaso o bacteriang streptococcus. Mas madalas na ito ay sanhi ng strep.

May mga virus din na sanhi ng pamamaga ng tonsil. Halimbawa, ang Epstein-Barr virus ay maaaring maging dahilan din ng sakit sa tonsil.

Ang mga bata na may malapit na pisikal na ugnayan sa mga kaklase at mga kaibigan ay maaari ring mahawa ng tonslitis na dulot ng virus o bakteriya. Kaya, ang mga bata ang mas madalas tamaan ng ganitong uri ng sakit.

Paano ba sinusuri ang sakit sa tonsil

Ang pagsusuri ng sakit sa tonsil ay ginagawa sa pamamagitan ng pisikal na pagsusuri sa lalamunan. Maaaring kumuha ang iyong doktor ng sample ng mga tissues na nasa lalamunan mo sa pamamagitan ng swab. Ang sample ay ipapadala sa laboratory para makilala kung anong uri ng mikrobyo ang sanhi ng iyong sakit.

Ano ba ang gamot sa tonsil?

Ang karaniwang uri ng sakit sa tonsil ay hindi naman nangangailangan ng gamot na ibinigay ng doktor lalo na kung ito ay dulot ng virus dahil kusa itong aalis.

Ang malala at pabalik-balik na kaso ng tonsillitis ay nangangailangan ng resetang antibiotic o kaya ay tonsillectomy o ang sadyang pag tanggal ng mga tonsil sa pamamagitan ng operasyon.

Diagnosis Ng Namamagang Lalamunan

Karamihan sa mga sore throat ay hindi nangangailangan ng medikal na atensiyon. Gayunman, magpakunsulta ka sa duktor kapag tumagal pa kaysa sa isang linggo ang iyong sore throat at kung nakakaranas ka ng:
- Kahirapan sa paghinga
- Pananakit ng kasukasuan
- Kahirapan sa paglunok
- Masakit ng tainga
- Mga pantal
- Lagnat sa mahigit pa sa 38 degrees centigrade
- Plema o uhog na may dugo
- Pagbabara ng lalamunan
- Pagkapaos na nagtatagal ng higit pa sa dalawang linggo

Ang pagtukoy ng sanhi ng iyong namamagang lalamunan ay maaaring makatulong sa iyong doktor para magamot ang iyong mga sintomas.
Ang iyong doktor ay magsasagawa ng eksaminasyong pisikal at susuriin ang iyong lalamunan gamit ang maliwanag na instrumento. Titingnan nya ang mga palatandaan ng pamamaga o mga puting tagpi, na maaaring magpahiwatig ng strep throat. Susuriin din ang iyong leeg para sa namamaga ng mga glandula at ang iyong paghinga.

Ano ba ang gamot sa tonsil?

Ang karaniwang uri ng sakit sa tonsil ay hindi naman nangangailangan ng gamot na ibinigay ng doktor lalo na kung ito ay dulot ng virus dahil kusa itong aalis.

Ang malala at pabalik-balik na kaso ng tonsillitis ay nangangailangan ng resetang antibiotic o kaya ay tonsillectomy o ang sadyang pag tanggal ng mga tonsil sa pamamagitan ng operasyon.

Gamot sa tonsil na maaaring isagawa sa bahay:
1. Mag-mumog ng tubig na may asin. Maglagay ng 1 kutsaritang asin sa isang basong maligamgam na tubig at haluin ito. Gamitin ito para mag-mumog ng ilang segundo. Mababawasan ng tubig na may asin ang pamamaga ng tonsils. Mag-mumog ng mga 4 na beses sa maghapon.
2. Magpahinga ng mas mahabang oras.
3. Kumain ng malalambot na pagkain na madaling lunokin
4. Uminom ng maraming tubig, tea o sabaw. Uminom ng 8 basong tubig sa maghapon.
5. Iwasan muna ang paninigarilyo, kung kaya mo, subukang ihinto na ito nang tuluyan
6. Subukan ang chicken soup o nilagang manok . Ang chicken soup ay may sangkap na amino acid, ang cysteine, na lalabas sa pagluto ng sabaw ng manok. Ang cysteine ay nagpapalabnaw ng plema (mucus) sa ating baga, at pinapabilis ang ating paggaling. Ang manok ay mataas din sa protina.
7. Kung masakit ang lalamunan, puwedeng gumamit ng throat lozenges. Ito yung mga candy na nakaka-ginhawa sa lalamunan.

Paalala: Hindi lahat ng sore throat at dahil sa impeksyon. Maaari din magdulot ng sore throat ang hyperacidity o pangangasim ng sikmura. Ang allergy ay puwede din pagmulan ng sore throat. Magpa-check-up sa doktor.